Pandemya

Hindi kasing bilis ng bagyo,
Hindi sumasabog tulad ng bulkan,
Hindi kasing init ng sunog,
Hindi rumaragasa sa agos ng baha,
Hindi isang delubyo,
Hindi!

Pinapabagal ang araw,
Pinapaiksi ang gabi,
Pinapagpapahinga ang katawan,
Ngunit, pinapagod ang damdamin.
Ikinukong ang mga gunita.
Papaliparin ang isip sa kawalan.
Kay hirap tiyakin ang kasiguraduhan at kalayaan.

Sa bawat delata
Ay pangamba
Na sa tulong na dumarating
Ay kawalan ng pagkukuhanan
Ng pangunahing kailangan.

Hindi ka lalagnatin
O uubuhin.
Ngunit
Pag-iisipin ka.
Tatakamin.
Pasasabikin.

Dahil sa pandemyang
Wala pang bakuna,
Umasang
Sa sakit ka lamang
Palalayain.
At tuluyang
Pagpapahingahin.

Comments

Popular posts from this blog

She Proves the Inconsistency of the Desires and Criticism of Men Who Accuse Women of What They Themselves Cause

Kung Ibig Mo Akong Makilala by Ruth Elynia S. Mabanglo

Love Does Not Know Secrets