Pandemya
Hindi kasing bilis ng bagyo, Hindi sumasabog tulad ng bulkan, Hindi kasing init ng sunog, Hindi rumaragasa sa agos ng baha, Hindi isang delubyo, Hindi! Pinapabagal ang araw, Pinapaiksi ang gabi, Pinapagpapahinga ang katawan, Ngunit, pinapagod ang damdamin. Ikinukong ang mga gunita. Papaliparin ang isip sa kawalan. Kay hirap tiyakin ang kasiguraduhan at kalayaan. Sa bawat delata Ay pangamba Na sa tulong na dumarating Ay kawalan ng pagkukuhanan Ng pangunahing kailangan. Hindi ka lalagnatin O uubuhin. Ngunit Pag-iisipin ka. Tatakamin. Pasasabikin. Dahil sa pandemyang Wala pang bakuna, Umasang Sa sakit ka lamang Palalayain. At tuluyang Pagpapahingahin.